5:58 AM

Sige, kayo na lang! Woof, woof!




Ngayong garapalan na ang pambababoy ng mga politico sa kaban ng taumbayan, naglipana na rin ang mga advocacy groups na nais ipalaganap ang internal na pagbabago. May mga grupong bigla na lamang mabubuo upang magpalabas (nyak!) ng kanilang sama ng loob sa mga kalye ng Mendiola, Makati, at kung saan-saan pa. Maging ang isang malaking istasyon sa telebisyon ngayon ay naghanda pa ng isang bonggang bonggang produksyon para ipaalam sa mga mamamayang Filipino ang kahalagahan ng kanyang boto.

Pero ang pinakasikat (siguro…) at pinakamatindi sa lahat ay itong isang advocacy group (advocacy group nga lang ba? Hmm…) na nagpahanda pa ng isang malaking pagtitipon sa isang popular concert venue sa Pilipinas para lang i-promote ang kanilang misyon na pagsasariling-kusa (nakupo!). For security purposes (baka bigla akong sunggaban ng mga asong sumusuporta sa grupong ito), I decided na itago ang pangalan ng grupong ito sa taguring “HUNYANGO AND COMPANY.”

Why Hunyango and company? Aba’y ako pa ang lolokohin ng mga hipokritong ito! Pero, in fairness, ang daming mga engot na Filipinong naenganyong sumali sa “adbokasiyang” ito, siguro dahil maganda ang marketing strategy ng grupong ito (ang gawin ba naming endorsers ay sandamukal na celebrities, ewan…)

Ano ba ipinaglalaban ng grupong ito? Isang malaking EWAN. From the looks of it, ang nais nilang iparating ay ang importansya ng pagjajak… este, pagsasariling-kusa. Na nasa atin ang simula ng pagbabago.

Pero pag-aralang mabuti ang sinasabi nilang ito. SINO ANG TINUTUKOY NILANG SIMULA NG PAGBABAGO? From their perspective: Ako. From the perspective of the audience: SILA.
Ayun. Hindi ba isa itong malinaw na pruweba? Sino lamang ba ang kilala niyong nangangakong magiging simula ng pagbabago? Hindi ba mga POLITICO?! This makes you think, isa nga lang ba silang advocacy group o isang PARTYLIST CANDIDATE?

At ang isa pa, bakit ang ilang tagapagtaguyod ng advocacy group na ito AY MGA PERSONALIDAD NA PINANINIWALAANG TATAKBO SA 2010 ELECTIONS?

At para saan ang mahigit KWARENTA PESOS na “merchandise?” Ano ang gagawin ng grupong ito sa nakamkam nilang pera mula sa mga nauto nila? Campaign funds? Ang sabi nila ay para sa “charity” daw, pero marami na akong narinig na ganyan…

And the “merchandise” itself. Hindi ba ang “merchandise” na ito ay isinusuot ng mga amo sa kanilang alaga para ipaalam sa lahat na ang hayop na iyon ay kanilang pag-aari? Hindi naman pwedeng sabihing ang "merchandise" na ito ay inspired sa ginagamit ng mga military personnel as a sort of identification kung sakaling mamatay sila in line of duty. HINDI BA ANG “merchandise” na ito AY SIMBULO NG PAGSUPIL SA KALAYAAN? The fact na ito ang ipinamamahagi ng grupo, hindi kaya ang mga kawawang nauto IS BOUND TO SOMETHING HIDEOUS THAT EVEN THEMSELVES AY MAGUGULAT PAG NATAUHAN SILA AT NALAMAN KUNG ANO ANG PINASOK NILA?

Curious lang po.

Clue? Wag na.

- Heco

Comments (0)

Post a Comment