12:44 PM 0 comments

Detective Conan 537 is up!

It's Conan vs. Kaitou Kid once again!

Part 1:


Part 2:


Part 3:
5:58 AM 0 comments

Sige, kayo na lang! Woof, woof!




Ngayong garapalan na ang pambababoy ng mga politico sa kaban ng taumbayan, naglipana na rin ang mga advocacy groups na nais ipalaganap ang internal na pagbabago. May mga grupong bigla na lamang mabubuo upang magpalabas (nyak!) ng kanilang sama ng loob sa mga kalye ng Mendiola, Makati, at kung saan-saan pa. Maging ang isang malaking istasyon sa telebisyon ngayon ay naghanda pa ng isang bonggang bonggang produksyon para ipaalam sa mga mamamayang Filipino ang kahalagahan ng kanyang boto.

Pero ang pinakasikat (siguro…) at pinakamatindi sa lahat ay itong isang advocacy group (advocacy group nga lang ba? Hmm…) na nagpahanda pa ng isang malaking pagtitipon sa isang popular concert venue sa Pilipinas para lang i-promote ang kanilang misyon na pagsasariling-kusa (nakupo!). For security purposes (baka bigla akong sunggaban ng mga asong sumusuporta sa grupong ito), I decided na itago ang pangalan ng grupong ito sa taguring “HUNYANGO AND COMPANY.”

Why Hunyango and company? Aba’y ako pa ang lolokohin ng mga hipokritong ito! Pero, in fairness, ang daming mga engot na Filipinong naenganyong sumali sa “adbokasiyang” ito, siguro dahil maganda ang marketing strategy ng grupong ito (ang gawin ba naming endorsers ay sandamukal na celebrities, ewan…)

Ano ba ipinaglalaban ng grupong ito? Isang malaking EWAN. From the looks of it, ang nais nilang iparating ay ang importansya ng pagjajak… este, pagsasariling-kusa. Na nasa atin ang simula ng pagbabago.

Pero pag-aralang mabuti ang sinasabi nilang ito. SINO ANG TINUTUKOY NILANG SIMULA NG PAGBABAGO? From their perspective: Ako. From the perspective of the audience: SILA.
Ayun. Hindi ba isa itong malinaw na pruweba? Sino lamang ba ang kilala niyong nangangakong magiging simula ng pagbabago? Hindi ba mga POLITICO?! This makes you think, isa nga lang ba silang advocacy group o isang PARTYLIST CANDIDATE?

At ang isa pa, bakit ang ilang tagapagtaguyod ng advocacy group na ito AY MGA PERSONALIDAD NA PINANINIWALAANG TATAKBO SA 2010 ELECTIONS?

At para saan ang mahigit KWARENTA PESOS na “merchandise?” Ano ang gagawin ng grupong ito sa nakamkam nilang pera mula sa mga nauto nila? Campaign funds? Ang sabi nila ay para sa “charity” daw, pero marami na akong narinig na ganyan…

And the “merchandise” itself. Hindi ba ang “merchandise” na ito ay isinusuot ng mga amo sa kanilang alaga para ipaalam sa lahat na ang hayop na iyon ay kanilang pag-aari? Hindi naman pwedeng sabihing ang "merchandise" na ito ay inspired sa ginagamit ng mga military personnel as a sort of identification kung sakaling mamatay sila in line of duty. HINDI BA ANG “merchandise” na ito AY SIMBULO NG PAGSUPIL SA KALAYAAN? The fact na ito ang ipinamamahagi ng grupo, hindi kaya ang mga kawawang nauto IS BOUND TO SOMETHING HIDEOUS THAT EVEN THEMSELVES AY MAGUGULAT PAG NATAUHAN SILA AT NALAMAN KUNG ANO ANG PINASOK NILA?

Curious lang po.

Clue? Wag na.

- Heco
1:54 PM 1 comments

How "Junior" changed the world

Alam ko, medyo late (hindi lang medyo, talagang late) na ang post ko tungkol sa isyung ito. Pero hayaan niyo pa rin akong magpost tungkol dito (come to think of it, blog ko naman ito, kaya ano bang pakialam niyo? Bwahaha! Peace dudes!).

Wala na siguro ngayong Pilipino ang hindi nakakakilala ngayon kay "Junior," ang doktor na bida ng nagsikalat na sex videos na ibinibenta sa Quiapo sa halagang P150.00. Sa ikatatahimik ng nanay niyang OA sa pagpikit sa kanyang TV interview, isosyogo natin ang mga pangalan ng mga tauhang mababanggit sa post kong ito (as if naman meron pang hindi nakakakilala sa mga iyon, pwe!).

Now, going back to "Junior," (and i mean the person himself, not his little bushy "junior" na ang lakas ng loob pa niyang ipinangalandakan sa kanyang videos) mukhang talagang binago nito ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa sex. Aba, noon, isang malaking taboo ang pagbabanggit ng mga "makasalanang ideya" (priest mode) na iyon sa pamilya, lalo na kung may mga menor de edad (na di alam ng mga magulang e mas hustler pa sa ganoong topic kesa sa kanila, bwahaha!). Pero ngayon, tila mas lalong nagiging malapit sa isa't isa ang mga magkakapamilya (i mean, the family, the basic unit of society, not the self tag of some badass TV network out there) kapag mga video na si "Junior" at "Spiderwoman" (spiderwoman dahil sa kanyang weird pose nang kinakain ni Junior ang handa niyang baked mussels) ang pinag-uusapan.

Bongga di ba! Akalain mo e hindi lang pala ang laban ni Pacquiao ang nagsisilbing daan para magkasama-sama sa panonood ang mga magkakapamilya! Ayos!

Yun lang. Ayoko nang i-elaborate pa ang tungkol sa mala-teleseryeng drama nina Junior, Spiderwoman, Nanay ni Junior, at ang mga chipmunks na nakikisawsaw sa masalimuot na isyung ito. Pasasaan ba at malalaos din ang dramang ito at tuluyan nang mapuputulan ng "junior" si Junior! Bwahaha!

Enjoy reading this post while listening to:
1:36 PM 0 comments

Detective Conan episode 536 up!

Episode 536 of the famous Detective Conan series has finally been subbed! Enjoy!


Part 1


Part 2
12:12 PM 0 comments

Pagkatapos ng Padyak, Bawang naman...


Medyo nahuhuli na ako sa mga latest news ngayon, I was actually surprised nang malaman kong naipasa na ang House Resolution 1109 na nag-aapruba sa CONSTITUENT ASSEMBLY (CON-ASS) bilang paraan ng pag-aamenda sa kasalukuyang konstitusyon. Ayos talaga itong mga hinayupak nating kongresista ano? Gagawin talaga ang lahat! Kundi ba naman sila mga malalaking CON-ASS...holes! Pwe!

Ayos din ang mga gimik ng mga raliyista ngayon bilang pagprotesta sa con-ass ha! Talagang literally ay ipinapakita ang kanilang mga butas! (yaaak!) Pero kung gimik lang din naman, e wala na yatang tatalo pa sa senador na ito. Who am I talking about? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na MR. PU dahil alam mo na, baka biglang mapadpad pa siya dito at imbitahan ako for another useless senate investigation... ayokong sumikat sa ganyang paraan, pwe!

Well, anyway, matapos ang kanyang pagpapanggap na manunubos ng mga palengkero't palengkera, paggamit sa kanyang "fiancee" na animo'y nais kabugin ang sweetness nina Ryan at Juday, at pagpapadyak ng pedicab na as if naman gagawin talaga niya kapag nanalo siyang presidente ng bansang ito, aba eto na naman at gumawa na naman siya ng ingay nang mamigay siya ng mga bawang (galing dun sa palengke niya, bwahaha!) sa mga kapwa niya senador para daw palayasin ang mga con-ass-wang! Ayos diba!

Ngayon nga daw e, mula sa pagiging boy palengke, kikilalanin na siyang Boy Bawang, ayon sa isa pang aswang, este isang presidential spokesman. Nakakagutom!

Sabagay, if you look at it, talaga namang mga ASWANG iyang mga kongresista nating wala na ngang ginagawang mabuti, naglulustay ng pera sa pagpapatayo ng mga hacienda at mansyon o di kaya ay para makapag-cruise around the world o manood ng laban ni Aling Dionisia sa pag-iingles, ay heto pa at nais pang baguhin ang konstitusyon as if naman may utak sila para baguhin yon! Pwe!

Pero siyempre, on the other hand, malamang kaya nagpaka-OA itong si Mr. PU (pati lahat ng mga kasama niya sa senadong ghostbusters) sa pagrereact sa Con-Ass ay dahil nga naman, pag nabago ang konstitusyon, malamang ay hindi matuloy ang 2010 elections at mawawalan siya ng tsansang makaupo sa inidoro, este, sa trono!

Hay naku! Nag-iinit lang ang ulo ko sa mga linsyak na ito! Babayu na ako! Kelangan ko pa ba ng clue kung sino si Mr. PU? Ang slow niyo naman kung ganun... bwahaha!

-Ang nagmamaasim na si Heco!