5:24 AM

Asar kay "Barag" Obama

Sa totoo lang habang sinusulat ko ang post na ito bad trip pa rin ako. Nakakaasar naman kasi talaga iyong bago kong nakilala na kabago-bago pa nga lang ay gumagawa na ng pangalan. For the sake of saving him from mockery, isyogo natin siya sa neymsung na BARAG OBAMA.

Why Barag Obama? Do I need to elaborate? Barag. You get the picture.

Ewan ko kung sadyang napagkaitan lang talaga siya ng kagandahang lalaki, pero my goodness! Hindi na nga kagwapuhan ay tila napagkaitan din ng sense of humor! Hindi mo alam kung nagjo-joke na siya o hindi pa dahil sa totoo lang, parang walang kaemo-emosyon ang mukha niya! My goodness!

At ang mga pinaggagagawa niya tuwing magkikita kami, talagang nakakapang-gigil ng kasu-kasuan! Akala mo kung sinong siga na kabago-bago lang naman e kung umasta e para bang diyos na dapat katakutan! Pweh! Kung sana e may napatunayan na siya tulad ni Mudrang NoPatilles, okay lang na magbida-bidahan siya. Kaya lang isa lamang siyang starlet!

At dahil nga walang emosyon ang kanyang barag na mukha, hindi ko rin maistima kung ano ba talaga ang umiikot sa pag-iisip ng lalaking ito. Sa totoo lang, napaka-unpredictable niya. Kaya nga medyo kinakabahan ako. Paano kung mabasa niya ang post kong ito? Edi yari ako. Pero hindi. Malay ba nyang siya ang pinatutungkulan ko? E hindi lang naman siya ang barag ang mukha sa aming Kommunity!

Hay... ayan. Medyo hindi na ako bad trip. Ayos talaga ang blog ano! Pampa-relieve ng stress...

Babu na ako! Clock Over!

Comment (1)

Ay,kilala ko siya! Hahaha!!! =D

Post a Comment