9:29 AM

Sa'n ka pa?

When it comes to witty and entertaining quotes, wala na yatang tatalo pa kay Senadora Miriam Defensor Santiago. Isa na namang nakakaaliw na pahayag ang binitiwan niya sa mga miyembro ng media ukol sa iringang Ping Lacson - Manny Villar. Narito ang kanyang pahayag (mula sa gmanews.tv):


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Miriam: ...Mag-boxing na lang sila! Ngayon, kung boxing sila, panalo si Ping. Kung wrestling, panalo si Manny. Kung barilan sila, pareho silang patay...


Matatandaang nakapagbitaw na rin si Santiago ng mga nakakaaliw na pahayag noon laban sa mga Tsino who "invented corruption," sa mga Amerikano na aniya'y "oversexed," sa kongreso na aniya'y "parang mga talakitok," at sa Meralco na aniya'y "dapat pasabugin." At sino ang hindi makakalimot nang sinabi niyang "I lied! Hahaha!"

- Heco Arandia, who also "eats death threats for breakfast."

Comments (0)

Post a Comment