Brotherhood on TV5? Naman!
TV5's Promo CM for Full Metal Alchemist: Brotherhood
Isang surprise para sa buong Pinoy Anime Circuit ang muling pinasabog ng BAGO AT NAG-IISANG TUNAY NA ANIME AUTHORITY ng Pilipinas, TV5. With barely two months after the anime's release in Japan, heto at ihahatid ng TV5 ang Pinoy-dubbed FRESH EPISODES ng FULL METAL ALCHEMIST: BROTHERHOOD!
Ang Full Metal Alchemist: Brotherhood ang itinuturing na most anticipated anime for 2009 at talaga namang sinusubaybayan ito ng buong mundo through fansubs and Animax. At dahil nga sobrang aniticipated, mistulang "too-good-to-be-true" ang balitang ipapalabas ito sa TV5. Fans expected na masyadong mahal ang acquisition ng license for outside broadcast nito lalo na't kasisimula pa lang nito.
But TV5 has cleared their doubts (myself included). Tuloy na tuloy na ang pag-eere ng FMA:B on May 22 at 7:30 p.m. PST. TV5 has proven na sinsero sila sa pagbibigay ng mga top-class animes in its entirety at hindi mga pipitsuging anime na ipinapalabas diyan sa tabi-tabi.
Matatandaang TV5 ang may hawak ng FASTEST ACQUISITION OF AN ANIME'S OUTSIDE BROADCAST LICENSE via Special A (less than a year after S.A was broadcast in Japan) pero sila rin ang tumalo sa sarili nilang record na ngayon ay via FMA:B na (SEVEN WEEKS AFTER ITS INITIAL JAPANESE BROADCAST). Ang TV5 rin ang naghatid ng isa pang anticipated anime tulad ng Code Geass at sila rin ngayon ang Philippine TV broadcast station na pinakamabilis ang pagdami ng aired anime titles under their hood.
With FMA:B marking TV5 reputation as Pinoy anime fans' haven deeper, mukhang makakaasa tayo na mas marami pang magagandang anime ang ihahatid sa atin ng TV5.
To know more about Full Metal Alchemist: Brotherhood, read below or click here for a hyper clock up!
- Heco, the walking Philosopher's Stone